
Alam ko hating-gabi na ngunit ang pinapanood mo pa rin ay mga videos ng mga pagkain, mga taong kumakain. At bigla kang ginutom at pumunta ng kusina n’yo, ngunit wala kang nakitang pagkain. Basurahan na lamang ang bumungad sa’yo, ngunit ika’y gutom na gutom na!
Kapag tayo’y may nakitang green leafy vegetables na sa pakiramdam natin ay patapon na, sandali lang ka-basuraologist, maari pang makain ang tangkay o stem at tira-tirang dahon nito. Ito’y pwedeng gisahin at gawing ulam kung ikaw nagugutom. Napakarami pang benefits na maaring makuha sa pagkain ng ganitong pagkain dahil sa taglay nitong fiber na nakakatulong sa ating digestion at vitamin C na malaking tulong na rin sa ating immune system.
But wait, there’s more! Pwede ding kainin ang balat ng sibuyas at bawang? Katulad ng green leafy vegetables, ang balat ng sibuyas at bawang ay mayroon ding taglay na fiber at iba’t-ibang klase ng anti-oxidants na mas makapangyarihan kaysa sa mismong laman ng sibuyas. Ito’y nakakatulong sa pagpapababa ng peligro ng mga sakit sa puso at iba’t-ibang klase ng cancer. Ito’y maaring ilagay sa mainit na tubig at inumin ng derecho o ilagay sa mga soup na lulutuin.
Kadalasan, hindi na rin pinapansin o derechong tinatapon ang buto ng kalabasa, ngunit alam niyo bang pwede itong lutuin at gawing meryenda. Ito’y mabilis ding gawin, ilaagay lamang sa kawali, lagyan ng konting asin, isalang at pagkatapos ng 15 minutes ito’y maari ng kainin. Ang buto ng kalabasa ay merong protina, zinc, Vitamin K, magnesium at iba’t-ibang minerals. May taglay din itong phytosterols na nakakababa ng bad cholesterol levels.
Palagi ka rin bang kumakain ng pakwan? Ngayon h’wag mo ng itapon ang balat ng pakwan dahil ito’y maari pang kainin. Pwede itong gawing juice o pwede ring gisahin o i-pickle. Ito ay may taglay na citrulline, isang amino acid na nakakatulong sa pagcirculate ng ating dugo.
Pwede rin nating kainin ang balat ng mga citrus na prutas. Ito’y sagana sa fiber at vitamin C at iba pang anti-oxidants. Ito’y kudkurin at pwedeng gawing pampalasa sa mga nabanggit na pagkain kanina, at kung ikaw ay may sobrang tsokolate, ilagay ang nakudkod na balat dahil ito’y magbibigay ng bago at mas masarap na lasa para sa iyong tsokolate.
Kaya sa susunod na ikaw ay magugutom, i-check ang inyong kusina kung meron ka ba nitong mga nabanggit. Basura na sana, pagkain pa pala. Kaya, busong ka na, nabawasan pa ang basura. Ikaw, may alam ka bang basura na makakain pa?
0 Comments